Ito ang lumang bahay sa kanto. Bahay ng mga pinsan ng lolo at lola ko.
Nung bata pa kami ng kapatid at mga pinsan ko, dito kami naglalaro.
Dito ako tinuturuan ni Tiya Ursing ng piano noon pero mas gusto kong maglaro kaya hindi ko na rin naipag-patuloy.
Isang bahay na maraming aso. Isang beses muntik na makagat ang bunsong kapatid ko. Maraming puno ng atis dito. Bayabas, balimbing, at may isang malaking puno ng langka. Sa tuwing mahihinog ang mga bunga,nag-uunahan at nag-aagawan kami sa pagkuha.
Dito kami tinuruan ng mabuting asal - na dapat matutong makibagay sa iba, na dapat marunong magpasalamat sa mga biyayang nakukuha. Na kahit minsan mahirap ang buhay, dapat laging may ngiti, dapat laging masaya.
Ngayon, wala na ang lumang bahay sa kanto. Ang natitira na lamang ay pira-pirasong kahoy at yerong kalawangin. Ngunit kahit na wala na ang bahay at ang lahat ng aking mahal sa buhay ay isa-isa ng lumisan, hindi mabubura sa aking isip ang mga alaala ng aking kabataan.
Monday, October 31, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment